Nagkaron ng Summer Youth Camp ang Shrine of the Five Wounds sa Baguio City.
So nung una parang ayaw ko umattend kase malayo nga at kakagaling ko lang naman sa Baguio nung kamakailan, kaya ayun, parang tinatamad ako, pero napasama na rin kase may mga nagdonate sa amin sa simbahan na para sa bayad dun sa mga saama, so sumama na lang ako kase parang opportunity na rin na may matutunan na bago. Hanggang sa nung dumating na dun is unti unti ko narerealize na masaya naman pala, with all the animation songs na nakakabuhay ng loob, pag inaantok. Hahaha :D
So eto, meet my team.. CORINTHIANS
Sila ang nakasama ko sa 3 araw na pagstay namin sa camp site, so nagkaron ng maraming activities na kung saan kailangan talaga ng cooperation sa bawat member ng grupo, nung unang activity palang is medyo nagkakahiyaan pa kase syempre first time pa na magkakila kilala diba, nung mga sumunod na kagaya nung Survival Cooking na nahuli kami kase ang hirap magpaapoy.. nga pala ako nakahuli nung chicken! XD hehehe tas kahit na last kami sulit namn kase ang sarap nung luto namin, lahat ng grupo na iba puro adobo, kami lang naiba, inihaw na manok. Pang Mang Inasal ang lasa..
Tas isa pa sa activities is yung Amazing Race!
Eto talaga yung pinakana.enjoy ko sa lahat eh, yung napuntahan ko lahat ng mga tourist spots. Anu kase to parang may mga clues kayo na susundan, hanggang sa makarating na kayo sa final destination niyo ^^ Dapat lahat ng nakalagay sa clues is gagawin niyo or susundin niyo, so kami nga ang pinakafirst, but the sad part is marami kaming mali eh, kaya ayun.. Sayang. Pero eto parin pinaka the best! Lalo na yung paghanap ng taho na strawberry sabay papicture kay Manong, inikot namin buong Baguio Market! =))
So sa 3rd day, after namin pumunta sa Lourdes Grotto, sa Minesview park.. Pumunta na kami sa Burnham park para sa aming lunch, then after nun binigyan kami ng 1 hour para makaikot or punta kung san namin gusto.. ONE HOUR. Mehehe ayos lang eh, pero anyways yan isa sa ginawa namin, at hindi talaga ako humihinga habang nasa bangka na yan! Parang lulubog kami! XD Hahaha basta overall masaya naman. :D
After ng ONE HOUR na ibinigay samin, pumunta na kami sa Cathedral to meet some of the youth of baguio, so medyo di sila marami kase sabe nila sabay sabay daw ang activities nila kaya unti lang sila na nandun, tas marami rin ako natutunan sa kanila at nakakainspire yung kaniknilang mga kwento :D So after dito, balik na sa camp then nagpack up na ng things. Tas uwi na! Yehey! Ang sarap lang kase sa feeling na makahiga ulit sa kama e. =))